Pwede bang humingi ng Legal Advice kung paano malalaman kung ang Deed of Sale of genuine or fake. Isang government official nang Lucena ang bumili ng lupa kung saan ang pamilya ko ay tenant. Ito ay binili niya ng hindi namin nalalaman kahit alam niya na may tenant ng lupaing iyun, Nang malaman namin ang bilihan, kinausap namin ang may ari at sinabi namin na gusto namin i-exercise right namin to first option to buy ang lupa. Pumayag naman ang may ari at nangako na babawiin nila ang documents ng bilihan basta i-match lang namin bilihan nila ng government official. Pero tila ginipit sila ng government official at ung goverment official na ang humarap sa aming meeting with DAR. Pumayag naman government official na ipagbili sa amin ang lupa pero more than 60% higher na ang presyo niyang sinasabi sa amin. Ayaw na humarap nung may ari na nagsabi sa amin kung makano talaga ang naging bilihan. Hinala ko ay magpapagawa si government official ng bagong Deed of Sale para ma-reflect ung mas mataas na presyo na gusto niya. Paano kaya namin malalaman ung original Deed of Sale.
Malugod na pasasalamat sa sinumang makapagbibigay sa amin ng payo.