PALAY BAGSAK ang HALAGA

View: New views
1 Messages — Rating Filter:   Alert me  

PALAY BAGSAK ang HALAGA

by Sigwa :: Rate this Message:

Reply to Author | View Threaded | Show Only this Message

Buti pa ang krudo na di kinakain at di rin nakakabuhay mataas ang halaga kahit na bagsak ang halaga sa Global-Market...Pero ang palay na makakain at nakakabuhay sa atin ay bagsak na bagsak ang halaga. Sabi ng NFA dito wala silang pondong pambili ng palay namin kaya ang mga negosyanteng bumibili nito ay nasa 13 Pesos ang halaga na dapat ay nasa 19 Pesos. Dugo, Pawis, HIrap at lugi lang ang dinandanas namin para mabigyan ng makakain ang ating kababayan. Sa taon itong ang abono ay tumaas sa 2000 Pesos tapos dahil sa masamang panahon nagkasakit pa ang mga tanim kaya halos nasa 50 kabanes lang ang maaani sa 1 hektaria at dapat patutuyuin pa ito kaya babagsak pa ito sa 45 kabanes na lang. Nasaan ba ang supporta na pangako ni A.yap at ni Arroyo. Puro lang sila dakdak at wala naman talagang ginagawa. Puro sila korakot at kasinungalingan. Sawang sawa na kami sa kanila. Kaya siguro sa susunod, magtatanim na lang kami para sa amin nalang na pangangailangan. Pano naman ngayon ang ating Bayan, magugutom ito dahil sa kabulukan, kakorakotan at kasinungalingan ng Pamahalaan ni Arroyo na Pinkabulok sa buong larangan ng ating Bayan Pilipinas. SA totoo lang kahit Galit na Galit din ako sa Pamahalaan ni Marcos, masasabi ko ngayon ...Mas Mabuti pa ang kapanahunan ni Marcos dahil kahit pano may Price Control, Crime Control at Corruption-Control. Sa pamahalaan ni Arroyo naman DO ALL YOU WANT just as long as you DEFEND and KEEP ME as the PRESIDENT. Ganyan ang pamahalaan ni Arroyo gagawain nila lahat kahit labag sa batas basta supportado nila si Arroyo at di nila ito patatalsikin.