Re: ang mga kapalpakan
Totoo pong lahat ang mga kapalpakan dito sa Pilipinas lalung lalo na kung may kinalaman sa pamamahala ng Gobyerno. Pero, sino po ba ang naglalagay ng mga tao sa gobyerno? Sila po ang dapat na 'sisihin' sa bagay na ito. Ako po ay laging naghihintay ng eleksyon para magamit ko ang aking nag-iisang kapangyarihan na binigay sa ating ng Poong Maykapal. Sa araw po ng eleksyon walang taong maaring dumikta sa akin kung sino ang aking iboboto. Kaya, natatawa lang ako sa mga rallies pag walang eleksyon. Para tayong mga batang walang isip na na gagawa ng isang bagay tapos ngangawa ng ngangawa. Sabihin natin kung ano ang klaseng gobyerno ang nais natin sa pamamagitan ng matalinong pagboto. O baka naman ganito talagang klaseng gobyerno ang gusto natin...puno ng kapalpakan?