« Return to Thread: Sana....

Sana....

by mangPilo :: Rate this Message:

Reply to Author | View in Thread

Sana po may mga pagkakataong may ibigay na trabaho sa mga may edad ng mga mamayan dito sa pinas (50-65yros). May mga gawain pong kaya pa naming mga nagretiro na sa trabaho, subalit ang age requirement po ang nagiging sagabal. Marami po sa mga optional retirement (due to change of management) peoples are left without jobs from the day of the optional retirement had been "accepted". Halimbawa po ay ang inyong lingkod. Eksaktong 50 yrs old ako ng ako'y napabilang sa tinatawag na optional retirement mula noon ay di na ako nakakuha ng iba pang trabaho...ang dahilan ay either I am to old or i am overqualified (ano ba iyon?). Ang napansin ko po ay hindi naman po talagang nagbawas ang kompaniya kundi naging "wise" lang po ang "bagong management". Ang monthly salary ko po bago ang optional retirement ay Php30,000 (gross). Sa pagbabawas ng kompanyang iyon ay tatlo ang naidagdag na bagong empleyado sa suweldong Php8,000.00 bawat isa. Sabagay talagang ganoon ang negosyo (ang negosyo ay nagangailangan ng tao pero ginagawa sa di makataong pamamaraan...siguro ito ang tunay na kahulugan ng 'walang personalan trabaho lang...'...ang tao ay hindi dapat pahalagahan bilang tao kapag negosyo na ang pinag-uusapan). Ang hiling ko po sana ay bigyan po kami ng pagkakataong kumita muli kaysa idagdag kami sa mga "palamuning bayan". Marami po sa amin ang hindi na naghahangad ng mataas na sahod...ang kumita lang upang hindi kami maging pasanin ng aming mga pamilya. Hanggang dito na lang po.
Teofilo M. Duabe
0261 Acacia St., Balite,
Lagao, General Santos City
09152269266

 « Return to Thread: Sana....