Tama po ba....

View: New views
1 Messages — Rating Filter:   Alert me  

Tama po ba....

by pantaleon :: Rate this Message:

Reply to Author | View Threaded | Show Only this Message

Ang anak ko po ay kumukuha ng isang 4-yr Course. May isang subject po na matapos ang isang buwan ng pagkaklase ay sinundan ng parang "exposure" seminar na umaabot ang gastos sa Php15,000.00 para sa 2 linggo. Pagkatapos po ng 2 linngong seminar ay bumalik na sila sa classroom. Natapos po ang semestre sa kasamaang palad ay bumagsak ang anak kong lalake sa subject na iyon. Nagyon nag-aaral uli ang nak ko at naka-enroll sa subject na iyon. Ang sabi ng eskuwelahan ay dapat kumuha muli ang anak ko ng seminar na nabanggit at magbabayad pong muli kami. (Sa naunang seminar ay may certification of completion ang anak ko). Tama po ba iyon? Hindi po ba mas makatarungan na tapusin muna ang classroom period ng subject na iyon at kung pasado ang estudyante ay saka lamang payagan na kumuha ng seminar na iyon.
Nagtatanong lang po.