Tiya Dely as National Artist

View: New views
1 Messages — Rating Filter:   Alert me  

Tiya Dely as National Artist

by Ka Tuñing :: Rate this Message:

Reply to Author | View Threaded | Show Only this Message

   Sa laki ng naiambag ni Tiya Dely sa ating kultura, nakapagtataka na hanggang ngayon ay hindi pa siya napaparangalan bilang National Artist.

   Kung sino-sino nang elitistang artista ang ginawaran ng Malacañang bilang Pambansang Alagad ng Sining pero palagi nilang nakakaligtaan ang mga artistang tunay na minahal ng bayan, tulad ni Tiya Dely. Dahil ba na sa tingin nila kabaduyan lang ang pop culture? Sana hindi naman. Ang sining ay hindi lamang para sa mayayaman at nakapag-aral kundi para sa lahat, kasama ang  mahihirap at simpleng mamamayan lamang.

   Si Tiyang ay naging tanyag at nanguna sa pagsulong ng Broadcasting Arts sa Pilipinas. Pinagdaanan niya at na-perfect lahat ng aspeto ng pagraradyo bilang dramatista, manunulat, voice talent, mang-aawit, director, reporter, news anchor, komentarista, patnugot, public service show host, tagapanayam, at marami pang iba. Siya rin ang kaunaunahang babaing Station Manager sa bansa. Higit sa lahat, hindi natin siya malilimutan bilang tagapagpayo sa mga nagugulihaman, tagapagtanggol ng pambansang wika at tagapagtaguyod ng ating mga sariling awitin at tugtugin.

   Mami-miss ka namin Tiya Dely. Mahal ka namin. Maraming salamat sa matagal na panahong paglilingkod mo sa bayan.

   Tiyang, paalam... higit sa lahat -- sa iyo.