Why are most media men biased?
Papaano ba nagiging irresponsable ang isang mamamahayag? Kailangan nga ba nilang maging responsable?
Noong una bago pa man ako napunta rito sa Davao City, ang isipan ko ay tulad din ng mga mamamahayag na walang inisip na ang Mindanao ay lupain ng gyera. Subalit nang ako ay nakatira na rito sa Davao City sa loob ng labing-limang taon, nagbago ang pananaw ko sa lugar na ito.
Bakit ba kapag nagbabalita ang mga mamamahayag tungkol sa isang lugar sa Mindanao ay nilalahat nila. Halimbawa ang nagaganap na kaguluhan sa ARMM, sinasabi nilang kaguluhan sa Mindanao. Bakit noong nagkagulo sa Port Irene sa Cagayan Valley hindi nila sinasabing kaguluhan sa Luzon? Ganon na nga ba talaga ka kitid ang mga utak ng halos ng mga mamamahayag? Bakit di nila sabihin ang ispisipikong lugar! Ang Davao ay sakop ng Mindanao subalit hindi magulo ang Davao!
Kaya nga minsan iniisip ko, ang mga mamamahayag ang isa sa mga responsable kung bakit nagkakaroon ng kaguluhan dahil na rin sa kanilang pagka irresponsable!
Magtanong ka ng mga taga Luzon na di pa nakakapunta sa isa man sa lugar sa Mindanao, sasagutin ka, "ay magulo sa Mindanao." Di ba't ito ang resulta ng pagiging irresponsable ng mga mamamahayag na taga Luzon?
Dapat ang irresponsable mamamahayag ay pumunta dito sa Mindanao upang lubos nilang maunawaan ang sitwasyon dito!
Nagpapaliwanag lang po.