Marso 15,2008 nang ako'y umuwi upang magbakasyon sa mahal kong bayan...ang daming kapalpakan sa ating bansa ang aking naobserbahan...una sa airport na lang,ang sabi ko sa mga sasalubong sa akin ay sa terminal 2 ako bababa dahil yun ang nakalagay sa ticket ko.Ang mga sasalubong sa akin e napunta ng centennial airport dahil yun daw ang terminal 2 at ang terminal 1 ang old airport.Bakit pinalitan na pala ang mga terminal na yan e bakit ang mga nagbobooking ng flights namin e di pa alam.Ang alam ko ang terminal 2 ay yong old terminal.Bakit di na lang tinawag na terminal 3 or 4 para di nakakalito?Buti na lang may telepono akong dala kung hindi ay di kami nagkita kita ng mga pamilya ko.Please lang iayos naman nila ang mga dapat iayos sa airport.saka suggestion lang bakit di sila maglagay ng malaking Flat Screen TV na kung saan doon ilagay mga flight numbers ng mga dumating na airlines para alam ng mga sasalubong?Isa pang kapalpakan...bakit sa mga projects na ginagawa ng gobyerno e ang laki laking billboard ang nakalagay at mukha ng presidente ang nandun and I qoute"this is a project under the initiative of President Macapagal Arroyo" How dare her to put those advertisement of her presidency.Di ba niya alam na taxes at mga pinaghirapan ng mga tao yun?Bakit di nila sabihin na dito napunta ang buwis na ibinabayad niyong mga taongbayan di mas masarap pang basahin.Napakarumi na talaga ang galaw ng politika sa atin.kanya kanya silang hilaan ng buntot at kanya kanyang raket.Hoy mga buwaya mahiya kayo kung may hiya pa kayo.Susunugin sa impyerno ang mga kaluluwa niyo mauuna na ang unang pamilya na yan.Di ako makapaniwala na si Arroyo became a monster na nagpahirap sa mamamayang Pilipino at kasama dun ang mga kamaganakan ko.Sa mga taong gobyerno ang masasabi ko sa inyo ay tingnan niyo kami na mga pilipinong nagkakandarapa sa pagabroad dahil wala kaming mapala sa inyo.ni di niyo kami mabugyan ng desenteng hanapbuhay samantalang nakatapos naman kami sa kolehiyo.Mas gusto niyo na iexport kami para kumita uli mga bulsa ninyo.Di na kayo naawa sa mga pamilya namin.Kung baliktarin kaya ang pagkakataon at kayo ang nasa lugar namin di kaya kayo maiinis at magwawala sa galit?Halos ayaw ko ng umuwi sa atin kasi ang hirap ng ipagpalit ang buhay na nakasanayan na namin dito sa ibang bansa.Kumpara sa bansa natin na puro basura at usok ng sasakyan ang malalanghap mo.Pati kalsada e wala ng sidewalk kasi inukupahan na ng mga kawawang kababayan natin na nagpupumilit mabuhay sa pamamagitan ng paglalako ng kung anu ano.Hindi ako nagagalit sa mga taong ito bagkus ako'y naaawa sa kanila.Kung mayaman lang ako at kaya ko silang kupkupin ay ginawa ko na.Nakakaawa sila.Sila yong walang makitang oportunidad sa buhay dahil sila'y pinagkaitan ng tadhana.Dapat sana sila ang unahing tulungan ng gobyerno dahil yun ang lagi nilang ipinapangako tuwing mageeleksyon...ang sila ay makamahirap..pwe!!! gasgas na ang dialogue na yan...kaya kung minsan nawawalan ako ng ganang bumoto dahil maski sino ang iluklok sa pwesto ay pareho ding kurakot gaya ng mga nakalipas na mga nakaupo sa gobyerno...Ano na lang kaya ang mangyayari sa bansa natin kung ganyan ng ganyan na walang matinong naluloklok sa pwesto?Mga kababayan kailangan nating magisip ng magandang paraan para mapaalis sa pwesto ang mga bwaya sa gobyerno natin na wala ng ginawa kundi magpayaman sa perang di nila pinaghirapan...mga magnanakaw silang lahat!!!! Pwe ang babaho ninyo!!!!Ang tinamaan ay bukol ang inabot!!!!