TO MR. JOE TARUC,
nakikinig po ako sa inyo kanina at nadinig ko kung paano nyo batikusin ang PAGASA, sa halip po na batikusin ay dapat pa nga na papurihan natin sila dahil sa kabila ng kakulangan nila sa maka bagong equipment ay ginagawa pa rin nila ang effort para makapagbigay ng babala sa atin kapag may mga bagyong ganito.
base po sa aking observation ay talaga pong erratic ang movement ni typhoon frank, maging ang JOINT TYPHOON WARNING CENTER ng US NAVY, at ang JAPAN METEOROLOGICAL AGENCY ay na surprise din sa naging movement ni typhoon frank at hindi din sila naka pagpredict kung saan talaga tatama ang bagyo at ito ay sa kabila na makabago na ang kanilang mga equipment, at dapat po nating malaman na maraming factor ang tinitingnan para ma predict ang direction ng isang bagyo, sa kaso po ni typhoon frank, bigla pong humina ang high pressure area sa may northern part ng luzon na nagresulta sa pagbabago ng direction ng nasabing bagyo, sa halip na west northwest ay naging north northwest.
yun lamang po at mabuhay po kayo at inyong mga kasama