« Return to Thread: sen. legarda's 5 minute service

sen. legarda's 5 minute service

by journ_student :: Rate this Message:

Reply to Author | View in Thread

Magandang araw!
    Kamakailan lamang ay narinig ko si Senator Legarda sa inyong istasyon. Noong una ay akala ko na tumawag lamang siya upang magbigay komento sa isang napapanahong isyu, ngunit ng naglaon ay napansin ko na regular nang naririnig ang senadora sa inyong programa madalas 7:30 am. Nais ko lamang maliwanagan tungkol sa nature ng binibigay ninyong airtime sa senadora. Papaano po ba ito nagsimula?Nagbabayad ba ang kaniyang kampo para sa 5minuto na airtime, libre ba ito, o matuturing bang empleyado na ang senadora at reguar na talaga siyang maririnig ng mga tulad ko na tagasubaybay ng inyong istasyon?Ayoko man isipin ngunit kahit papano ay baka maapektuhan ang pananaw namin sa inyong neutrality sa politika.Ang senadora ay umamin nang tatakbo sa 2010 Presidential Election at baka isipin ng ibang tagapakinig na ginagamit ang inyong istasyon upang mangampanya. Ngunit hindi ko pa rin maitatanggi ang pagiging makabuluhan ng mga komentaryo ng senadora tungkol sa mga isyu ng bayan.
    Inuulit ko, nais ko lamang maliwanagan. Umaasa ako na mabibigyan ninyo ako ng kalinawagan sa lalong madaling panahon. Salamat at more power sa DZRH!

PS. may nagaasikaso ba ng email at ym accounts ng dzrh? sinend ko na ito sa email at ym pero hindi sila nagrereply. Salamat!

 « Return to Thread: sen. legarda's 5 minute service